Sino Sino Ang Diyos At Diyosa Ng Griyego
Sino sino ang diyos at diyosa ng griyego
Ang mga sumusunod ay ang mga Diyos at Diyosa ng Greece At Rome:
Greek-Zeus / Roman-Jupiter
hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at panahon, pinagharian niya lahat ng diyos mula sa kanyang Palasyo na nasa taas ng Bundok ng Olimpo
tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako
asawa niya si Juno
Ang sandata niya ay ang kidlat na may kasamang malakas na kulog
Ang ama ni Zeus sa mitolohiyang Griyego ay si Cronus
Greek-Hera / Roman-Juno
reyna ng mga diyos
tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa,
asawa ni Jupiter
Ang "Hera" ay nangangahulugang "dilag" o "luningning ng kalangitan
Greek-Poseidon / Roman-Neptune
kapatid ni Jupiter
hari ng karagatan, lindol
kabayo ang kaniyang simbolo
Greek-Hades / Roman-Pluto
kapatid ni Jupiter
panginoon ng impiyerno
Greek-Ares / Roman-Mars
diyos ng digmaan
buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya
Greek-Apollo / Roman-Apollo
diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, panulaan
diyos din siya ng salot at paggaling
dolphin at uwak ang kaniyang simbolo
Greek-Athena / Roman-Minerva
diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan
kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya
Greek-Artemis / Roman-Diana
diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng buwan
Greek-Hephaestus / Roman-Vulcan
diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
Greek-Hermis / Roman-Mercury
mensahero ng mga diyos,
Bihasa sa paglalakbay, pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw, at panlilinlang
Greek-Aphrodite / Roman-Venus
diyosa ng kagandahan, pag-ibig,
kalapati ang ibong sumisimbolo sa kaniya
Greek-Hestia / Roman-Vesta
kapatid na babae ni Jupiter
diyosa ng apoy mula sa pugon
Comments
Post a Comment